I. Pamagat
Dr.
Jose Rizal(1998)
II. Mga Tauhan
·
Jose Rizal
·
Crisostomo
Ibarra at Simoun
·
Luis Taviel
de Andrade
·
Donya
Teodora Alonzo
·
Andres
Bonifacio
·
Maria Clara
·
Josephine
Bracken
·
Leonor
Rivera
·
Paciano Rizal
·
Pio Valenzuela
·
Don Francisco Mercado
III. Buod ng
Pelikula
Ito ay tungkol sa buhay ng ating
pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Mula sa pagkabata hanggang sa sya ay
litisin, hatulang barilin sa Bagumbayan sa kamay ng mga Kastila sa harap ng mga
Pilipin. Ang kanyang mga obra na Noili Me Tangere at El Filibusterismo na
mithiin na ipakita at gisingin ang mga Pilipino mula sa pang aalispusta ng mga
Kastila. Na makamit ang kapayapaan at kalayaan.
Ang kanyang 2 obra ang naging daan
para mabuhay ang puso ng mga Pilipino upang maghimagsik para makamit ang
inaasam na kalayaan ng Pilipinas laban sa kamay ng mga Kastila. Dahil sa
nobelang ito inaakusahan ni Rizal na ang mga Kastila ang pinuno ng rebolusyon.
Maging ang kapatid nyang si Paciano ay pinahirapan upang ilahad na si Rizal ay
may kinalaman sa nasabing rebelasyon. Nobyembre 1896 ay nadaklip si Rizal at
dinala sa Fort Santiago. Doon ay may nakaka kwentuihan sya na isang alipin. Sa
paggunita nya ng kanyang kabataan, naalala nya kung paano nilahad sa kanya ni
Paciano ang ukol sa pagpatay sa 3 pari na GOMBURZA, ang turo ng kanyang ina na
si Donya Teodora Alonzo ukol sa gamo-gamo, ang buhay nya sa Ateneo Municipal at
ang pag gamot ni Rizal sa problema sa mata ng kanyang Ina.
Si Luis Taviel de Andrade, kapatid
ni Jose Taviel na dating gwardya ni Rizal, ang naging abogado nya. Si Taviel ay
isang opisyal ng kastila na hindi naniniwala sa kanya. Ngunit nagbago ito ng
maibahagi sa kanya ni Rizal ang kanyang buhay, nagpagtanto nya na si Rizal ay
hindi lamang isang inosente sa isang kaso bagkus sya ay isang kahanga hangang
nilalang kaya napagdesisiyunan nya na ilalaban nya sa husgado si Rizal hanggang matapos ang paglilitis sa
kanya. Naikwento din ni Rizal angf kanyang pag aaral ng medisina sa Unibersidad
ng Santo Tomas, ang diskriminasyon sa mga estudyante doon. At ang pag iibigan
nila ni Leonor Rivera na kanyang pinsan at kasintahan.Ayon kay Taviel,
ang kinalaban ng nobela ni Rizal ay ang gobyerno at relihiyon ng Kastila.
Pawang katotohanan lamang ang kanyang
mga isinulat, na sa mga bagay na naisulat nya ay makikita ng mga Pilipino ang
kanilang mga sarili, ang kanilang kasaysayan. Hinihiling lamang ng mga Pilipino
ay ang pagkakapantay pantay at makilala ang mga Pilipino na kapantay ng mga
Kastila. Pinapunta sya sa Europa ni Pacaino upang mag aral doon ng medisina at
gawin ang nararapat para sa bayan. Doon ay matututo sya at malayang maisusulat
ang mga kailangang pagbabago at katarungan sa bayan. Naikwento rin nya ang
pagpasok nya sa Unibersidad Central de Madrid noong 1884. Naitatag ditp
ang Kilusang Propaganda na naglalayon ng
kalayaan at pagpapahayag ng karapatan kapantay ng mga Kastila. Sa pamamagitan
ng La Solidaridad, ang pahayagan ng organisasyon, naipaparating nila ang
kanilang mga adhikain. Enero ng taong 1899 nagkaroon ng pag aaway sa
organisasyon ng maisipan nila maghalal ng pangulo. Ayon kay Marcelo H. del
Pilar, ang adhikain ng La Solidaridad ay pampribado na matinding tinutulan ni
Rizal. Para sa kanya ang adhikain ng La Solidaridad ay dapat pambansa.
Pagbalik ni Rizal ng Pilipnas,
itinatag nya ang La Liga Filipina. Ito ay samahang pansibikong samahan ng mga
Pilipino na naglalaman ng pagbabago sa ilalim ng mga Kastila. Dito ay nakilala
nya si Andres Bonifacio. Itinuring na isang samahan ang La Liga Filipina na
kumakalaban sa Espanya. Nagtanim ng mga mapangwasak na polyeto ang ilang ahente
ng mga prayle sa maleta ni Rizal. Dahil dito kababalik palang ni Rizal dito ay
ipinahuli at ipinadala na ito sa malayong lugar, sa Dapitan. Sa lugar na yon ay
nakilala nya ang pag ibig ng kanyang buhay, si Josephine Bracken, isang Irish
na ipinanganak sa Hongkong, na kung saan ay nagkaroon sila ng anak ngunit
namatay din makalipas ang ilang oras. Sa kabila ng pagpapatapon sa kanya sa
Dapitan ay nagawa pa din ni Rizal na makapagsulat ng manifesto na hindi pag
aalsa ang sagot sa hinaing ng mga Pilipino, nais pa rin ng mga prayle.Noong
ika-26 ng Disyembre,1896, ginanap ang paglilitis ni Rizal. Sa panig ng mga mang
uusig, pinagbibintangan si Rizal na pinuno ng pag aalsa at dahil din sa mga
isinulat nya na inaatake at kinakalaban ang relihiyon, mga prayle at
pamahalaang Espanya. Bunga nito, ang nararapat na kaparusahan sa mga mapangahas
ay kamatayan. Sa panig naman ng mga nanansakdal, ipinaaabot ng mga sulat ni
Rizal kung paano dapat patakbuhin ang Pilipinas. Pagkakaroon ng pantay na
karapatan at kalayaan ang nais nya. Pero hindi pinahihiwatig at pinatutunayan
nito na si Rizal ang pinuno ng rebolusyon. Sa katunayan, sa pamamalagi nya sa
Dapitan ay hindi sya nagsulat ng mga bagay na konektado sa pulitika. At sa pagbisita sa kanya ni Dr. Pio
Valenzuela sa Dapitan upang ikonsultan
at yayain syang sumama sa rebolusyon, si Rizal ay hindi pumayag sa nasabing pag
aalsa. At sa huli, sa pahintulot na magsalita si Rizal,sinabi nya na ang nais
nya lang ay kalayaan. Kalayaang hindi nakamit dahil sa rebolusyon kundi
kalayaan gamit ang edukasyon. Pero sa kabila ng pagtatanggol ni Taviel kay
Rizal, wala na syang magagawa sa tadhanang ito. Si Rizal ay nakatakdang barilin
sa ika-30 ng Disyembre, 1896. Sa kinahinatnan ay nasaktan at naiinis si Taviel
kung bakit naging Kastila pa sya. Dahil sa hatol ay binisita si Rizal ng
kanyang ina at kapatid. Binigay nya ang kanyang huling kahilingan sa kanyang
Ina at sa lampara na may laman ng isang tula, ang Mi Ultimo Adios(Huling
Habilin).Ang huling kahilingan ni Rizal ay harapin nya ang mga babaril sa kanya
ngunit hindi sya pinayagan. Ang mga Kastila ay nais syang barilin ng patalikod
katulad ng isang traydor. Nang babarilin na sya ay naisipan nya humarap ng
kaunti ng sa pagbagsak nya aynakaharap sya sa langit. Sa pagkakapatay kay
Rizal, lalong lumaganap ang himagsikan sa Pilipinas. Nakamit ang kalayaan noong ika-12 ng Hunyo,1898. Ilang taon ang
nakalipas ay hinirang na Pambansang Bayani si Dr. Jose Rizal.
IV. Banghay ng
mga Pangyayare
A. Tagpuan
·
Pilipinas
B. Protagonista
·
Dr. Jose Rizal
C. Antagonista
·
Mga Kastila
D. Suliranin
·
Mga naging suliranin sa
pagkapit ng kalayaan ng Pilipinas.
E. Mga kaugnay na
pangyayari o pagsubok sa paglutas ng suliranin
·
Ang pagsulat ni Rizal ng Noli
Me Tangere at El Filibusterismo na naglalaman ng pagmamalupit ng mga Kastila.
At ang pag tadhana ng paglilitis at pagpatatay kay Dr. Jose Rizal.
F. Mga Ibinunga
·
Ang paggising ng makatang
mithiin ng kalayaan ng mga Pilipino. Ang Pagdakip at pagpapatapon sa Dapitan
kay Rizal dahilan sa 2 obra na kanyang isinulat laban sa pamahalaan ng Espanya.
V. Paksa o Tema
·
Mga pinagdaanan ni Dr. Jose
Rizal upang makamit ng Pilipinas ang kalayaan.
VI. Mga Aspektong Teknikal
A. Sinematograpiya
·
Simula hanggang sa huli ay
kuhang kuha ang angkop na gamitin sa bawat eksena.
B.
Musika
·
Naaayon ang bawat musika sa
bawat pangyayayari. Malinis at malinaw ang pagkakagawa.
C. Visual Effects
·
Epektibo ang paggamit ng black
and white background para sa mga eksenang mula sa Noli Me Tangere at El
Filibusterismo.
D. Set Design
·
Kahanga hanga ang mga ginamit
na disenyo. Ramdam mo talaga na nasa panahon ka ng kastila. Mahusay ang
pagkakalagay ng bawat disenyo sa nararapat na kalagyan.
VII.
Kabuuang Mensahe ng Pelikula
·
Para sa akin ang naging mensahe
ng pelikula ay hindi mo kailangan inuwis ang buhay mo para sa bayan. Maari rin tayong
maging bayani sa ating maliit na paraan. Maari na rin tayong maging Jose Rizal
na makakatulong sa bansa natin. Mula sa pagtulong sa kapwa, pagtulong sa
paglilinis ng kapaligiran at pagsunod sa mga batas ay maari na tayong maging
isang bayani katulad ni Jose Rizal.
Ung tagpuan ?
TumugonBurahin