Miyerkules, Nobyembre 1, 2017

Dr. Jose Rizal(1998)

I. Pamagat
                Dr. Jose Rizal(1998)
II. Mga Tauhan
·         Jose Rizal
·         Crisostomo Ibarra at Simoun
·         Luis Taviel de Andrade
·         Donya Teodora Alonzo
·         Andres Bonifacio
·         Maria Clara
·         Josephine Bracken
·         Leonor Rivera
·          Paciano Rizal
·         Pio Valenzuela
·         Don Francisco Mercado
III. Buod ng Pelikula
              Ito ay tungkol sa buhay ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal. Mula sa pagkabata hanggang sa sya ay litisin, hatulang barilin sa Bagumbayan sa kamay ng mga Kastila sa harap ng mga Pilipin. Ang kanyang mga obra na Noili Me Tangere at El Filibusterismo na mithiin na ipakita at gisingin ang mga Pilipino mula sa pang aalispusta ng mga Kastila. Na makamit ang kapayapaan at kalayaan.
              Ang kanyang 2 obra ang naging daan para mabuhay ang puso ng mga Pilipino upang maghimagsik para makamit ang inaasam na kalayaan ng Pilipinas laban sa kamay ng mga Kastila. Dahil sa nobelang ito inaakusahan ni Rizal na ang mga Kastila ang pinuno ng rebolusyon. Maging ang kapatid nyang si Paciano ay pinahirapan upang ilahad na si Rizal ay may kinalaman sa nasabing rebelasyon. Nobyembre 1896 ay nadaklip si Rizal at dinala sa Fort Santiago. Doon ay may nakaka kwentuihan sya na isang alipin. Sa paggunita nya ng kanyang kabataan, naalala nya kung paano nilahad sa kanya ni Paciano ang ukol sa pagpatay sa 3 pari na GOMBURZA, ang turo ng kanyang ina na si Donya Teodora Alonzo ukol sa gamo-gamo, ang buhay nya sa Ateneo Municipal at ang pag gamot ni Rizal sa problema sa mata ng kanyang Ina.

              Si Luis Taviel de Andrade, kapatid ni Jose Taviel na dating gwardya ni Rizal, ang naging abogado nya. Si Taviel ay isang opisyal ng kastila na hindi naniniwala sa kanya. Ngunit nagbago ito ng maibahagi sa kanya ni Rizal ang kanyang buhay, nagpagtanto nya na si Rizal ay hindi lamang isang inosente sa isang kaso bagkus sya ay isang kahanga hangang nilalang kaya napagdesisiyunan nya na ilalaban nya sa husgado si  Rizal hanggang matapos ang paglilitis sa kanya. Naikwento din ni Rizal angf kanyang pag aaral ng medisina sa Unibersidad ng Santo Tomas, ang diskriminasyon sa mga estudyante doon. At ang pag iibigan nila ni Leonor Rivera na kanyang pinsan at kasintahan.Ayon kay Taviel, ang kinalaban ng nobela ni Rizal ay ang gobyerno at relihiyon ng Kastila. Pawang  katotohanan lamang ang kanyang mga isinulat, na sa mga bagay na naisulat nya ay makikita ng mga Pilipino ang kanilang mga sarili, ang kanilang kasaysayan. Hinihiling lamang ng mga Pilipino ay ang pagkakapantay pantay at makilala ang mga Pilipino na kapantay ng mga Kastila. Pinapunta sya sa Europa ni Pacaino upang mag aral doon ng medisina at gawin ang nararapat para sa bayan. Doon ay matututo sya at malayang maisusulat ang mga kailangang pagbabago at katarungan sa bayan. Naikwento rin nya ang pagpasok nya sa Unibersidad Central de Madrid noong 1884. Naitatag ditp ang  Kilusang Propaganda na naglalayon ng kalayaan at pagpapahayag ng karapatan kapantay ng mga Kastila. Sa pamamagitan ng La Solidaridad, ang pahayagan ng organisasyon, naipaparating nila ang kanilang mga adhikain. Enero ng taong 1899 nagkaroon ng pag aaway sa organisasyon ng maisipan nila maghalal ng pangulo. Ayon kay Marcelo H. del Pilar, ang adhikain ng La Solidaridad ay pampribado na matinding tinutulan ni Rizal. Para sa kanya ang adhikain ng La Solidaridad ay dapat pambansa.
              Pagbalik ni Rizal ng Pilipnas, itinatag nya ang La Liga Filipina. Ito ay samahang pansibikong samahan ng mga Pilipino na naglalaman ng pagbabago sa ilalim ng mga Kastila. Dito ay nakilala nya si Andres Bonifacio. Itinuring na isang samahan ang La Liga Filipina na kumakalaban sa Espanya. Nagtanim ng mga mapangwasak na polyeto ang ilang ahente ng mga prayle sa maleta ni Rizal. Dahil dito kababalik palang ni Rizal dito ay ipinahuli at ipinadala na ito sa malayong lugar, sa Dapitan. Sa lugar na yon ay nakilala nya ang pag ibig ng kanyang buhay, si Josephine Bracken, isang Irish na ipinanganak sa Hongkong, na kung saan ay nagkaroon sila ng anak ngunit namatay din makalipas ang ilang oras. Sa kabila ng pagpapatapon sa kanya sa Dapitan ay nagawa pa din ni Rizal na makapagsulat ng manifesto na hindi pag aalsa ang sagot sa hinaing ng mga Pilipino, nais pa rin ng mga prayle.Noong ika-26 ng Disyembre,1896, ginanap ang paglilitis ni Rizal. Sa panig ng mga mang uusig, pinagbibintangan si Rizal na pinuno ng pag aalsa at dahil din sa mga isinulat nya na inaatake at kinakalaban ang relihiyon, mga prayle at pamahalaang Espanya. Bunga nito, ang nararapat na kaparusahan sa mga mapangahas ay kamatayan. Sa panig naman ng mga nanansakdal, ipinaaabot ng mga sulat ni Rizal kung paano dapat patakbuhin ang Pilipinas. Pagkakaroon ng pantay na karapatan at kalayaan ang nais nya. Pero hindi pinahihiwatig at pinatutunayan nito na si Rizal ang pinuno ng rebolusyon. Sa katunayan, sa pamamalagi nya sa Dapitan ay hindi sya nagsulat ng mga bagay na konektado sa  pulitika. At sa pagbisita sa kanya ni Dr. Pio Valenzuela sa Dapitan upang  ikonsultan at yayain syang sumama sa rebolusyon, si Rizal ay hindi pumayag sa nasabing pag aalsa. At sa huli, sa pahintulot na magsalita si Rizal,sinabi nya na ang nais nya lang ay kalayaan. Kalayaang hindi nakamit dahil sa rebolusyon kundi kalayaan gamit ang edukasyon. Pero sa kabila ng pagtatanggol ni Taviel kay Rizal, wala na syang magagawa sa tadhanang ito. Si Rizal ay nakatakdang barilin sa ika-30 ng Disyembre, 1896. Sa kinahinatnan ay nasaktan at naiinis si Taviel kung bakit naging Kastila pa sya. Dahil sa hatol ay binisita si Rizal ng kanyang ina at kapatid. Binigay nya ang kanyang huling kahilingan sa kanyang Ina at sa lampara na may laman ng isang tula, ang Mi Ultimo Adios(Huling Habilin).Ang huling kahilingan ni Rizal ay harapin nya ang mga babaril sa kanya ngunit hindi sya pinayagan. Ang mga Kastila ay nais syang barilin ng patalikod katulad ng isang traydor. Nang babarilin na sya ay naisipan nya humarap ng kaunti ng sa pagbagsak nya aynakaharap sya sa langit. Sa pagkakapatay kay Rizal, lalong lumaganap ang himagsikan sa Pilipinas. Nakamit ang kalayaan  noong ika-12 ng Hunyo,1898. Ilang taon ang nakalipas ay hinirang na Pambansang Bayani si Dr. Jose Rizal.
IV. Banghay ng mga Pangyayare
              A. Tagpuan
·         Pilipinas
B. Protagonista
·         Dr. Jose Rizal
C. Antagonista
·         Mga Kastila
D. Suliranin
·         Mga naging suliranin sa pagkapit ng kalayaan ng Pilipinas.
E. Mga kaugnay na pangyayari o pagsubok sa paglutas ng suliranin
·         Ang pagsulat ni Rizal ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo na naglalaman ng pagmamalupit ng mga Kastila. At ang pag tadhana ng paglilitis at pagpatatay kay Dr. Jose Rizal.
F. Mga Ibinunga
·         Ang paggising ng makatang mithiin ng kalayaan ng mga Pilipino. Ang Pagdakip at pagpapatapon sa Dapitan kay Rizal dahilan sa 2 obra na kanyang isinulat laban sa pamahalaan ng Espanya.
V. Paksa o Tema
·         Mga pinagdaanan ni Dr. Jose Rizal upang makamit ng Pilipinas ang kalayaan.
VI. Mga Aspektong Teknikal
                A. Sinematograpiya
·         Simula hanggang sa huli ay kuhang kuha ang angkop na gamitin sa bawat eksena.
                B. Musika
·         Naaayon ang bawat musika sa bawat pangyayayari. Malinis at malinaw ang pagkakagawa.
                C. Visual Effects
·         Epektibo ang paggamit ng black and white background para sa mga eksenang mula sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo.
                D.  Set Design
·         Kahanga hanga ang mga ginamit na disenyo. Ramdam mo talaga na nasa panahon ka ng kastila. Mahusay ang pagkakalagay ng bawat disenyo sa nararapat na kalagyan.
                VII. Kabuuang Mensahe ng Pelikula
·         Para sa akin ang naging mensahe ng pelikula ay hindi mo kailangan inuwis ang buhay mo para sa bayan. Maari rin tayong maging bayani sa ating maliit na paraan. Maari na rin tayong maging Jose Rizal na makakatulong sa bansa natin. Mula sa pagtulong sa kapwa, pagtulong sa paglilinis ng kapaligiran at pagsunod sa mga batas ay maari na tayong maging isang bayani katulad ni Jose Rizal.

Sabado, Oktubre 14, 2017

SIMBANG GABI

 Iginawa ni: Fujiko Yanson


     Nasa kasarapan ng tulog nang biglang mabulabong sa nag-iingay na telepono biglang bumangon ng may halong kaba at saya,dumiretso sa banyo at naglinis,matapos maligo ginayak ang sarili at hinanda ang mga damit at gamit na dadalhin na nakapaloob sa malaking bagahe.Onti onting nakakaramdam ang mag-asawa sa kanilang anak na gumagayak,ngunit ito ay ipinagsawalang bahala lamang ng mag-asawa at pinag patuloy ang masasarap na tulog dahil alam nila na ito ay mag sisimba lamang kasama ang mga kaibigan nito.Matapos gumayak ng dalagitan nagpasiya na itong lumiban sa kanilang tahanan habang papalabas ng kwarto biglang napahinto sa paglalakad at lumingon ang dalaga sa kanyang magulang na ang tangin alam lang ay siya ay magsisimba maluha takot at kaba ang nararamdaman niya habang papalayo ng bahay.Tumungo sa isang liblib na bahaging parte ng kanilang baryo,at doon ay may isang binata na nag aabang sa kanya pag dating ng dalaga sa kanilang tagpuan nakita at nilapitan ang isat-isa niyakap mahigpit kasabay ang naranis na halikan.Lumuluhang mga mata ng dalaga kasabay ang pag-init nang kanilang mga katawan,muling nagpakalayo at nagtungo ang magkasintahan sa lugar kung saan walang nakakakilala at walang pipigil sa kung ano man ang nais nilang gawin Gawain ng mag bibigay saya sa kanilang dalawa.

ALAGA AT SAYA

 Iginawa ni: RogeL G Ocampo



             Madilim ang sinapit  sa pagtulog ni Jasper sa kanyang tulog.Nang nagising siya sa lamig ng hangin,kinalaunan ng umaga naglakad-lakad siya sa bukirang madalas niyang puntahan.Habang naglalakad siya nadaan niya at sinalubong siya ng isang nanbubukid at sabi sakanya iho! Dati tayo magkakilala,isang malaking kaarawan ko ngayon…pwede  bang mabili ako sayo sa ipanghahanda ko? Ang sagot naman “itay! Pag iisipang ko muna !!  pagkagat ng hapon hindi siya pumayag at sinabi ito nang sumapit ang gabi naiwan niyang gutom ang kanyang mga alaga at nakalimutan gawin ang Gawain bahay dahilsabik siya pumunta sa kaarawan ng isang nanbubukid,masayang nakikipaghalubilo saya at kumakain.Pagtapos ng handaan numuwi siyang busog at Masaya ngunit sa kabilang banda nakita nya ang kahon niyang ang lamang pera subalit wala ang kayang mga alagang puso.

KAIBIGAN

Iginawa ni: Jonah B Desphy


          Tanghalin tapat at magkikita ang magkaibigan rammil at Kenny.Nag simula silang gumala ng dalawa lang sila subalit sa gitna  ng paglalakad  “pre kain tayo”  sagot ni Kenny “kain lang walang tayo”charot! At nag kulitan ang dalawa pag katapos kumain pumunta sa perya ang mag kaibigan sa oras ng gabi.Matamis ang kanilang bibig na kung saan sila nakasakay sa mabagal na “ferris wheel”  tumawag ang nanay ni Kenny ang sabi “anak may nagyari ba? ang sagot niya “mama muntik na eh ikaw kasi mah!tumawag”



KUMAKALAN NA SIKMURA

Iginawa ni: Veronica Mertines


           Pagpasok niya ng klasrum ay sumalunong sa kanyan ang napakasangsang na amoy,pinigilan niya ang  kanyang palad na nooy  ibig niyang itakip sa kanyang ilong.Sabihin pa ng mga batay kay arte-arte n iya.Pawis na pawis ang mahigit animpung school student na kaharap niya.Ang ibay apura-pisik ng pabango upang pansamantalang mawala ang amoy.Hindi siya makakapagklase nang matino pag ganito ang sitwasyon okay classpahayag niya palalabasin ko muna kayo sa loob ng dalawampung minuto,manatili lang kayo dyan sa garden yung kailangan mag banyo mag banyo naSa tingin niyo iyon ang pinakamainam gawin isa-isang nagsilabasan ang mga bata.Nooy natawan nita ang isang babaeng nagpapahuli sa mga lumabas,yung mahiyain,yung di pa ata naririnig ang boses,nakita niya ang batang tilay lumaluha at nihihiya,hindi ito makatayo at hindi makagalaw sapagkat natatakot itong Makita at malaman ng lahat ang kanyang dumaing maiiwan,

Unkown Number

Iginawa ni:Ulchai Banes

 

             Alas onse na ng gabi , Ako’y malapit na sa bahay galing trabaho. Walang tao, tanging ilaw lamang na kukurap – kurap lamang ang nagsisilbing ilaw sa malawak at napakatahimik na iskinita dito sa Provident Village. Nang may tumawag na hindi kilalang numero. Ito’y aking sinagot at biglang binaba ang telepono. Maya – maya ay naka receive ako ng text, “Wag kang lilingon.” Nagtayuan ang aking balahibo at pinagpawisan ng malagkit kahin na napakalamig. Malapit nako sa pinakahuling poste at may naaaninag akong nakatayong lalaki. At muli, tumawag ang hindi kilalang numiro. “Maglakad ka lang ng mabilis ar wag mong susubukang lingunin ang lalaking nasa harapan mo.” Binilisan ko ang aking paglakad patungo sa poste na may nakatayong lalaki. Tulo’y – tuloy lang ako sa paglalakad ng biglang may lalaking nasa 35 hanggang 45 ang edad ang sumasalubong sa akin. Sa sobrang takot ay bigla nalang akong nahimatay sa gitna ng daan. Paggising ko, nasa bahay nako. At ang aking naaninag ay ang mukha ni mama; halata sa mukha ni mama ang pangamba. Anong nangyari sayo? Nakita ka nalang ng mga tanod sa daan ng walang malay. Bakit? Anong nangyari sayo? Hanggang sa amin ay naguguluhan ako. Di ko alam kung anong gagawin ko sa sobrang dami ng aking iniisip nang bigla na naming tumawag ang hindi kilalang numiro. Ang sabi “Ako ito anak, mabuti nalang ay ligtas ka. Sa susunod wag kang uuwi ng dis oras ng gabi.” Napaiyak ako dahil ang tatay ko pala na sampung taon na mula nung namayapa ang tumawa sakin para balaan ako sa holdaper na nakaabang sakin nung gabing iyon.

Biyernes, Oktubre 13, 2017

SABIK

 Iginawa ni:Marc Ericson Genio

                 
         Patay,Sindi ,labas pasok ang mga tao sa loob at may isang batang lalaki na tingin nang tingin sa isang dalagang babae at ang babae ito ay baling kinitan` at mukhang maamo at maputi .Dumating na ang oras nang Sayawan ka at nag madali ang lalaki na makuha ang dalaga matapos ang sayawan ay gusto ihahatid nang lalaki ang dalaga kaso ayaw dahil may matinding sikroto ang dalaga.

Huwebes, Oktubre 12, 2017

TRAHE DE BODA

 Iginawa ni:Reden Ebio


    “Magandang umaga”bungad saakin ni mama “wala kabang naaalala?” Sunod niya,oo nga pala,ito ang araw na pinakahihintay ko,ang Makita ang mahal ko sa nagniningning na kasuotan mahab at bulaklak ang hawak.Nang bumalik ako sa aking sarili,dali dali akong gumayak at nagtungo sa simbahan kung saan matutuklasan nila ang pag iisang dib-dib,maya’t maya pa ay nagsimula na na ang seremonya,nagbukas ang pinto at iniluwal nito ang napaka gandang babae na nakilala ko,habang ako’y naghihintay sa paglapit niya.Ramdam ko ang lakas ng kabog nag aking dib-dib,talaga ngang napaka ganda nya.Kitang kita ko sa mga mata nya kung gaano siya kasaya,kasaya sa pag-iisnag dib-dib nila ng aking matalik na kaibigan

TINDAHAN

     Iginawa ni: Benjamin Benavides Lunes  

                                      

                             Tuwing ako'y nalulungkot pumunpunta ako parati sa tindahann,tindahan napapalibutan ng maraming kulay at may ilaw na nakasulat na "tuloy kayo" ito'y kapansin pansin tuwing ako dumadaraan kaya maarami parating bumibili diyan nung pumunta ako doon may kapansin pansin babae na naghanap ng mahaba na mapula sa dulo,kaya sinubukan ko rin bilhin,sa una natatakot ako baka makakasama saakin ito baka magkasakit ako pero mali pala ang sa isip ko nahirapan akong hubaran siya at sa wakas nahubaran ko rin!Halos tutulo ang pawis ko dun kaya nang isubo ko mayroon akong natikmang kakaibang lasa masarap kakaiba sa lahat kaya hanggang ngayon masasabi kong adik na ako rito kahit nakakahiyang magbukas kasi baka tutuksuhin ako pero sulit parin ang pagkain ng paborito kong "LOLLIPOP".

Miyerkules, Oktubre 11, 2017

PIKNIK

Iginawa ni:ELAINA M JOSEF

              Isang masayang piknik ang aming gaganapin.Nagdala ng iba't ibang pagkain,basket at kumot pamatong pati na rin ang bulaklak pang dekorasyon.Bumiyahe ng malayo at masayang pinag-uusapan ang mga nakaraan.Nagsimulang maglatag ng kumot at may pagkain aabot ng ilang minuto o oras,sa lugar na mahangin,tahimik at kung saan may damo.Kahit na'y malungkot ang lugar ipinagdiriwang namin ang pagkamatay nang nanay dito sa "sementeryo".