Iginawa ni:Ulchai Banes
Alas
onse na ng gabi , Ako’y malapit na sa bahay galing trabaho. Walang tao, tanging
ilaw lamang na kukurap – kurap lamang ang nagsisilbing ilaw sa malawak at
napakatahimik na iskinita dito sa Provident Village. Nang may tumawag na hindi
kilalang numero. Ito’y aking sinagot at biglang binaba ang telepono. Maya –
maya ay naka receive ako ng text, “Wag kang lilingon.” Nagtayuan ang aking
balahibo at pinagpawisan ng malagkit kahin na napakalamig. Malapit nako sa
pinakahuling poste at may naaaninag akong nakatayong lalaki. At muli, tumawag
ang hindi kilalang numiro. “Maglakad ka lang ng mabilis ar wag mong susubukang
lingunin ang lalaking nasa harapan mo.” Binilisan ko ang aking paglakad patungo
sa poste na may nakatayong lalaki. Tulo’y – tuloy lang ako sa paglalakad ng
biglang may lalaking nasa 35 hanggang 45 ang edad ang sumasalubong sa akin. Sa
sobrang takot ay bigla nalang akong nahimatay sa gitna ng daan. Paggising ko,
nasa bahay nako. At ang aking naaninag ay ang mukha ni mama; halata sa mukha ni
mama ang pangamba. Anong nangyari sayo? Nakita ka nalang ng mga tanod sa daan
ng walang malay. Bakit? Anong nangyari sayo? Hanggang sa amin ay naguguluhan
ako. Di ko alam kung anong gagawin ko sa sobrang dami ng aking iniisip nang
bigla na naming tumawag ang hindi kilalang numiro. Ang sabi “Ako ito anak, mabuti
nalang ay ligtas ka. Sa susunod wag kang uuwi ng dis oras ng gabi.” Napaiyak
ako dahil ang tatay ko pala na sampung taon na mula nung namayapa ang tumawa sakin
para balaan ako sa holdaper na nakaabang sakin nung gabing iyon.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento